Lahat ng tao ay may mga sariling kinagisnang
kaugalian, kultura, paniniwala at iba pa. Sa paglipas ng panahon unti-unti
itong nabago at napapalitan ngunit may nanatili at nawawala rin. Kung medya ang
pag-uusapan marami ng mga kagamitan na maaring gamitin sa pagkuha at pagbibigay
ng mga impormasyon at dahil dito nagiging mas napadali na ang ating pakikipagkomunikasyon
hindi kagaya noon na sulat lamang ang tanging komunikasyon at hahantayin pa ng
ilang linggo upang dumating di tulad ngayon isang click mo lang send na agad o
isang click mo lang makakausap muna agad di tulad noon na kokonti lang ang may
mga telepono. Napakapalad natin sa henerasyong ito pagdating sa pag-aaral
sapagkat di na tayo masyadong naghihirap na makakuha ng mga iba’t ibang impormasyon
kaya mapalad tayo dahil di natin naabutan kung gaano kahirap ang pakikipagkomunikasyon
at ang paghahanap ng iba’t ibang impormasyon hindi na natin kailangan ng
magbasa ng maraming libro dahil maari na tayong makakuha ng impormasyon sa
internet.
Pagdating sa pakikisalimuha konti na lang ang
makikita mong magkakaibigan na walang hawak na kahit anong gadyet at kapag may
mga Wi-Fi connection halos hindi na nag-uusap dahil nasa gadyet na ang
atensiyon. Dala ng mga makabagong teknolohiya naging tamad na ang mga taong
makisalimuha sa ibang tao hindi na masyadong lumalabas dahil may gadyet na na
kayang makipag-ugnayan sa ibang tao. Ngunit iba pa rin kung harap-harapan mong
nakakausap ang iyong kaibigan, pamilya at iba pa, iba kasi ang sayang dating ng
taong nahahawakan at nakwekwentohan mo talaga. Sa paglalaro naman kung mapapansin ang mga bata ngayon iba na ang
nilalaro kung dati ay tumbang preso naging ROS (Rules of survival) ang habul-habulan
ay naging mobile legends , at ang bahay-bahayan ay naging COC (Clash of Clans)
at marami pang iba malimit ka nalang makakita ng mga batang naglalaro ng larong
pambata gaya ng tumbang preso, patintero, luksong-baka at iba pa. Maswerte
ako’t naranasan ko ang mga larong pambata na uuwi kami sa bahay na may sugat sa
tuhod ngunit dala ang magandang alaala tatakas kapag pinapatulog ni mama sa
hapon dahil maglalaro kung babalikan ko ang mga laro namin noon ibang iba
ngayon mas masaya noon dahil may mga interaksyon kami sa kapwa ko bata.
Sa panahon din ngayon unti-unting nawawala ang mga
magagandang asal at kaugalian, kung noon ay kailangan ikasal bago mabuntis o
kapag nabuntis kinakailangan talagang ipakasal kadalasan ngayon pagnabuntis ka
live-in muna. Dahil sa impluwensiya ng makabagong teknolohiya nagiging
liberated ang pag-iisip ng mga kabataan ngayon kung dati’y di makabasag pinggan
ang mga babae ngayon ibang-iba na, kung noon nag-iigib, naghaharana at
nagpapaalam sa magulang ng babae ang lalake ngayon hindi na pagdating sa
panliligaw naging hanap,usap deal na ang kanilang kadalasang ginagawa.
Hindi ko sinasabing masama ang dulot ng makabagong
teknolohiya dahil hindi naman kasamaan ang dulot ng teknolohiya may magandang
dulot din ito sa ating lipunan, maging sa ating bansa, nalulungkot lang akong
isipin na unti-unting nawawala ang ating mga magagandang asal, kaugalian at
tradisyon sana’y hindi ito humantong na mawawalan tayo ng respeto sa kapwa
natin tao ngunit nasa kamay parin natin kung paano natin gagamitin ang
teknolohiya at hindi aabot sa puntong teknolohiya na ang gagamit sa atin.
Bilang isang tao na gumagamit ng teknolohiya
nararapat lamang na may disiplina tayo sa paggamit nito at wag aabusuhin malaya
tayong yakapin ang mga makabagong teknolohiya o ang pagbabago ng panahon ngunit
nasa kamay natin ang desisyon kung saan tayo pipili kung ang teknolohiya ang
gagamit sa atin o tayo ang gagamit sa teknolohiya. Bilang isang guro rin sa
hinaharap alam kung iba ang mag-aaral na kahaharapin ko/namin gayunpaman hindi
dapat ito katakutan magsisilbing hamon sa amin kung paano namin ito kahaharapin
dahil sabi nga nila “The only thing constant in life is change.” Kaya bilang
isang guro sa hinaharap o bilang isang tao dapat ay bukas ang iyong isipan sa
pagbabago at handa ka sa pagbabagong naganap o magaganap ngunit dapat ay may
disiplina sa sarili.


No comments:
Post a Comment